Binawian ng buhay sa ospital ang isang lalaki sa bayan ng Alcantara, Romblon na pinagpapalo ng bakal na tubo noong December 1 sa Barangay Camili.
Ang biktima ay kinilalang si Gregorio Fernandez Galicha, 38, residente ng Barangay Bagsik.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pinagpapalo umano ng suspek na si Jeselo Galicia ang biktima habang ito ay nanonood sa mga naglalaro ng baraha sa isang lamay. May alitan umano ang dalawa na pinagugatan ng gulo.
Mabilis umanong tumakas ang suspek dala ang ginamit nitong tubong bakal na pinanghampas sa biktima ngunit nahuli rin naman kalaunan.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.