Arestado ng Magdiwang PNP ang limang residente ng Magdiwang, Romblon matapos maaktuhan di umanong nagsusugal sa larong bet game.
Ang mga suspek ay pawang mga residente ng Barangay Jao-asan kung saan nangyari ang operasyon ng pulisya.
Nakuha sa mga suspek ang isang set ng playing cards, pera na nagkakahalaga ng P119 na ginamit di umano ng lima para sa sugal.
Dinala na ang mga suspek sa police station. Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602.


































