Isang kalsada sa Barangay Mabulo sa San Fernando, Romblon ang nasira matapos ang pagbaha sa lugar nitong Sabado.
Ayon sa residente na si Phritz Riano, malakas ang buhos ng ulan sa kanilang lugar nitong Sabado na naging dahilan nang pag-apaw ng mga ilog at pagbaha.
Makikita sa video na inupload nito sa Facebook na nagkaroon ng crack ang ilang bahagi ng kalsada habang ang ibang bahagi ay tuluyan nang nabungkal.
Sa Facebook post nito, nanawagan siya ng agarang aksyon sa gobyerno para sa pagsasaayos ng kalsada sa lugar.


































