Sumadsad ang barkong sa municipal waters na sakop ng Barangay Busay, San Jose, Romblon kamakalawa, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ang barkong LCT Ellis Mari IV ay may sakay na 19 na crew members nang mangyari ang aksidente.
Ayon sa PCG, ang barko ay may kargang semento, buhangin, grave, at limang drum ng diesel.
Sa inisyal na ulat, umalis ng alas-8 ng umaga ng Odiongan Port ang barko ngunit sumadsad bandang alas-3 ng hapon dahil sa malalakas na alon at hangin.
Nagsagawa na ng inspection ang mga local divers sa lugar at nakitaan ng minor scratches ang barko.