Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Cajidiocan ang tatlong mangingisdang lumabag sa Comprehensive Fishery Ordinance ng bayan ng Cajidiocan noong Sabado.
Ayon sa PCG, nagsasagawa ng maritime patrol ang kanilang mga tauhan nang maabutan nila ang tatlong mangingisda.
Nakuha sa bangka ng mga mangingisda ang isang compressor, flippers, hose, at iba pang gamit pangisda.
ADVERTISEMENT
Pinagmulta ang mga suspek sa munisipyo dahil sa kanilang paglabag.
Ipinagbabawal ng bayan ang paggamit ng compressor sa pangingisda.