Inaresto ng mga tauhan ng CIDG Marinduque nitong July 12 sa San Fernando, Sibuyan Island ang anti-mining advocate na si Fabert “Nonong” Reyes dahil sa 19 counts ng libel.
Ang warrant of arrest laban kay Reyes ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 158, Pasig City, noong July 7.
Maliban sa lead unit na CIDG Marinduque, kasama rin sa operatiba ang mga pulis ng San Fernando Municipal Police Station, Pasig City Police Station, at Provincial Intelligence Unit ng Marinduque.
Halagang P10,000 kada kaso ang piyansang kinakailangan ni Reyes para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ayon sa source ng Romblon News Network, nakapagpiyansa na si Reyes nitong July 13.