Sugatan ang isang rider sa Odiongan, Romblon matapos itong sumemplang sa kahabaan ng National Road sa Barangay Poctoy bandang alas-5 ng hapon, Huwebes.
Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, nakainum ang rider nang mangyari ang aksidente.
Binabaybay umano nito ang kahabaan ng kalsada pauwi ngunit pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada ay nawalan ito ng kontrol sa sasakyan dahil sa kalasingan at dahil rin sa bilis ng patakbo nito.
Dumiretso ang rider sa gutter at sumalpok sa mga nakatambak na gulong sa lugar.
Agad na isinugod ito sa Romblon Provincial Hospital kung saan siya ngayon nagpapagaling.