Dapat magkaroon na ng Local Council for Women alinsunod sa memorandum ng DILG.
Ilan lamang ito sa mga pahayag ni Dra. Maria Imelda Fedelicio Mayor, ang presidente ng Kalipunan ng Liping Pilipina – Romblon, sa ginanap na Kapihan sa PIA Romblon ngayong Lunes, March 13 sa Odiongan.
Ayon kay Mayor mahalaga na magkaroon ng sama-samang grupo ang kababaihan na tutulong sa isa’t isa para mas ma-empower ang mga kababaihan sa probinsya.
Bilang bahagi rin ng selebrasyon ng Women’s Month ngayong Marso, sinabi ni Mayor na magkakaroon ng provincial celebration na gaganapin sa susunod na linggo sa bayan ng Corcuera, Romblon kung saan inaasahang mahigit 3,000 na kababaihan ang makikilahaok para sa taunang aktibidad.