Mas “empowered” na ngayon ang mga kababaihan sa probinsya ng Romblon ngayon ayon sa grupong Kalipunan ng Liping Pilipina o Kalipi.
Sa ginanap na Kapihan sa PIA Romblon nitong March 13, sinabi ni Kalipi Romblon president Dra. Maria Imelda Fedelicio Mayor na malaki na ngayon ang pagkakaiba ng mga kababaihan kumpara noong nakaraang mga taon.
Aniya, ngayon ang mga babae ay mas empowered na ang mga kababaihan pagdating sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
“When it comes to finances, empowered na sila, maging sa economics, empowered na rin sila dahil mas maraming babae ngayon ang may mga negosyo na,” pahayag ni Dra. Mayor.
Aniya, kung noon umano ay ang mga babae ay nakikita lamang na nagkwekwentuhan sa tabi o di kaya ay nagbabantay lamang ng bata sa bahay; ngayon umano ang mga babae ay kahit nasa bahay nagtatrabaho na sa pamamagitan ng iba’t ibang diskarte.
Dagdag nito, kahit pagdating sa politika at pamumuno ay marami na ring mga babae ang pumasok na sa pagiging public servant hinalimbawa nito ang mga babaeng alkalde sa probinsya ng Romblon.
Ngayong Women’s Month, panawagan ni Dra. Mayor sa mga kababaihan na huwag na huwag mag-iisip na hindi nila kaya nag isang bagay dahil makakaya nila ito.
“Subukan ng subukan natin dahil deserve natin ang lahat ng opurtunidad na binibigay sa atin ng gobyerno dahil magbibigay yan ng pagkakataon na mabago ang ating buhay,” pahayag nito.
“Lumabas po kayo. Sumali po kayo sa mga grupo ng mga kababaihan na nagsusulong ng gender equality at empowerment,” dagdag pa nito.