Nanatiling zero crime rate ang bayan ng Magdiwang, Romblon sa unang dalawang bahagi ng taong 2023.
Ito ay base sa ulat ni Captain Mary Jade Gaca, Officer In Charge ng Magdiwang Municipal Police Station, sa ginanap na press conference ng tatlong munisipyo ng Sibuyan nitong Lunes, March 20.
Ayon kay Captain Gaca, zero ang naitala nilang index crime, non-index crime, special laws, traffic incident para sa kasalukuyang taon.
Mababa parin ito kumpara sa naitala noong nakaraang dalawang taon matapos makapagtala ng 20 crimes noong 2021 at 9 noong 2022.
Sinabi ni Gaca na ang kabilaang checkpoint, Oplan Bakal/Sita, at Beat patrolling ay malaking tulong para mapanatili ang katahimikan sa bayan.


































