Isang ginang ang inabutan ng panganganak sa police mobile ng Romblon Provincial Mobile Force Company kaninang ala-una ng madaling araw sa bayan ng San Fernando, Romblon.
Ang ginang na kinilalang si Cyra, 22, ay humingi ng assistance sa 3rd Platoon Base para ihatid ito sa Rural Health Unit para doon manganak ngunit nasa police mobile palang ay hindi na nito napigilan at lumabas na ang bata.
Hindi naman natakot ang mga tumulong na pulis at inalalayan ang ginang na ilabas ang malusog na baby girl.
Matapos manganak, agad dinala ang mag-ina sa San Fernando Rural Health Unit sa karagdagang medikal na atensyon.