Ang National Telecommunications Commission (NTC) MIMAROPA katuwang ang tatlong malalaking network sa bansa at sa pakikipagtulungan ng mga Lokal na Pamahalaan ng Alcantara, Looc at Odiongan ay magsasagawa ng Facilitated SIM Registration sa darating na February 14 hanggang 16.
Ayon sa NTC Mimaropa, kailangan lang magdala ng mga magpaparehistro ng mobile phone kasama ang SIM na ipaparehistro at isang (1) valid government-issued ID.
Ang nasabing SIM Registration ay walang bayad.
ADVERTISEMENT