Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang limang bayan sa probinsya ng Romblon sa kanilang masigasig na pagtalima sa hangarin na sugpuin ang droga sa lipunan ng kani-kanilang Anti-Drug Abuse Council (ADAC).
Ito ang bayan ng Banton, Calatrava, Odiongan, San Agustin at San Fernando.
Para sa rehiyon, tanging lalawigan lamang ng Romblon ang binigyan ng pagkilala sa National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Award na ginanap sa Manila Hotel.
Kinikilala sa naturang gawain ang mga lalawigan, lungsod, at mga bayan na nakakuha ng perfect score sa implementasyon at assessment ng mga programa kontra droga sa kanilang mga nasasakupan.