Nasawi ang isang lalaki sa bayan ng Alcantara, Romblon matapos itong makuryente habang naglilinis ng bubungan ng isang bahay sa Barangay Poblacion, tanghali ng Miyerkules.
Kinilala ang nasawi na si Angelo David, residente rin ng parehong barangay.
Ayon sa mga residente sa lugar, nakita umano nila ang biktima na nagbubunot ng dumi sa bubungan ng isang bahay ngunit bigla umano itong nadulas at sumabit sa linya ng kuryente ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO).
Dead on the spot ang biktima dahil sa pagkakakuryente rito.
Makalipas pa ng mahigit 30 minuto bago tuluyang maibaba ang katawan ng biktima sa bubungan.