Mas bumilis ang mga naitalang pagtaas ng mga pangunahing commodities sa probinsya ng Romblon noong buwan ng Oktubure base sa ulat ng Philippine Statistics Authority – Romblon.
Ayon sa PSA-Romblon, ang inflation rate ng probinsya ng Romblon ay umakyat sa 3.5 percent noong nakaraang buwan kumpara sa 2.9% noong Setyembre.
Pinakamataas na nagsimahalan ay ang mga commodities na may kinalaman sa Restaurant and Accomoddation Services na may naitalang pagtaas na 10.7% at sinundan naman ng pagtaas ng 7.8% sa mga alcoholic beverages at mga tabacco.
May nakita ring pagtaas sa mga food at non-alcoholic beverages, clothing and footwear, health services, personal care and miscellaneous goods and services, recreation, sports, and culture, at households.
Samantala, sa rehiyon ng Mimaropa, nakapagtala ang PSA ng 8.5% inflation rate. Ang Pilipinas naman ay nakapagtala ng 7.3% inflation rate, mas mataas rin ng 0.4% sa naitala noong Setyembre 2022.


























