Rumampa ang mga buntis sa bayan ng Alcantara, Romblon kamakailan bilang bahagi ng Buntis Congress 2022 noong ika-25 ng Oktubre.
Nagpakitang gilas ang mga buntis sa pag rampa sa entablado at ipinasikat ang kanilang kasuotan. Ang kaganapan ay isang paraan upang mabigyan ng impormasyon ang mga buntis tungkol sa kanilang pagbubuntis.
Bahagi rin ng programa ang pagbibigay ng lecture ng mga ekspertong doktong kung saan nagbigay sila ng impormasyon patungkol sa pre-natal, post-natal, breastfeeding, at nutrition.
Kasama rin sa pag bibigay edukasyon si Dr. Teresa Tirol ng Provincial Health Office patungkol sa Oral Hygiene at si Carol Glori patungkol naman Cancer Awareness Program.
Sa pangalawang parte ng programa ay nagkaroon ng libreng medical consultation, dental service, libreng gupit, manicure, at pedicure para sa mommies at mga soon to be moomies.
Available din ang vaccine kontra COVID-19 para sa mga pwedeng magpabakunang mommies at iba pang walk-ins.


























