• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Wednesday, October 14, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Wed
28 ° Thu
28 ° Fri
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Inflation sa Romblon, umakyat sa 5.7% noong September 2026 — PSA

    Inflation sa Romblon, umakyat sa 5.7% noong September 2026 — PSA

    Zero-balance billing, ipinatupad sa dalawang ospital sa Romblon para sa Handog ng Pangulo 2026

    Mga ospital ng gobyerno sa Romblon, inatasang magtatag ng IP-friendly rooms

    PNP MIMAROPA pinaigting ang seguridad sa mga paaralan

    Crime incidents sa Odiongan, bumaba ng 26% ngayong taon kumpara noong 2025

    Odiongan, naghahanda sa posibleng epekto ng Very Strong El Niño

    Odiongan, naghahanda sa posibleng epekto ng Very Strong El Niño

    68 corn farmers sa Odiongan, tumanggap ng fertilizer assistance

    68 corn farmers sa Odiongan, tumanggap ng fertilizer assistance

    Mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Corcuera, tumanggap ng agarang tulong

    Mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Corcuera, tumanggap ng agarang tulong

    Tricycle driver, arestado sa buy-bust operation sa Odiongan

    Tricycle driver, arestado sa buy-bust operation sa Odiongan

    Siyam na asosasyon ng kababaihan sa Odiongan, tumanggap ng tulong pangkabuhayan

    Siyam na asosasyon ng kababaihan sa Odiongan, tumanggap ng tulong pangkabuhayan

    Fish Landing Project sa Magdiwang, planong itayo ng pamahalaan

    Fish Landing Project sa Magdiwang, planong itayo ng pamahalaan

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Wed
28 ° Thu
28 ° Fri
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Features

Kaunlaran sa gitna ng Karagatan

Joshua SugaybyJoshua Sugay
October 15, 2022
in Features
Reading Time: 16 mins read
73
0
Kaunlaran sa gitna ng Karagatan
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi maipagkakaila na ang rehiyon ng MIMAROPA ay isa sa mga pinakahitik sa likas na yaman sa bansa; bagaman nahihiwalay ang rehiyon sa mainland, kakikitaan pa rin ito ng malaking potensyal pagdating sa pag-aambag sa ekonomiya sa bansa. Bukod sa turismo na isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng karamihan sa mga mamamayan dito, kilala rin ang rehiyon sa pagpoprodyus ng mga produktong agrikultural.

Sa personal na pakikipanayam ng mga kawani ng Philippine Information Agency (PIA) – MIMAROPA sa mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-MIMAROPA; napag-alaman ng grupo na mayroon isang samahan sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro na napagkalooban ng proyekto ng BFAR. Base na rin sa pahayag ng naturang ahensiya, naging matagumpay ang implementasyon ng proyektong ito ng Samahan ng mga Magsasaka at Mangingisda ng Barangay Misong o SMMBM.

Mula Lungsod ng Calapan, kailangang bumiyahe ng isa’t kalahating oras upang marating ang bayan ng Pola. Matarik, kurbada, at malubak ang naging daan papunta sa Barangay Misong, Pola, sa kabila ng lahat ng ito, bumungad ang asul at payapang karagatan na humahalina sa sino mang makakakita dito.

Makikita na payak ang pamumuhay ng mga residente na nakatira dito; sumasalamin sa kabuhayang kinagisnan na hinubog ng mga kamay na tila sanay na sa pagpapagal.

Mula sa pakikipagpulong sa mga residente dito, isang malaking ngiti ang namutawi sa isang lalake na naglalakad patungo sa kinaroroonan ng grupo. Siya si Dominador Conde, Lider ng SMMBM sa naturang barangay. Mababakas sa kutis nito na simula pa lamang pagkabata ay alam na nito ang salitang “trabaho”. Aniya, bata pa lamang siya ng matuto mangisda, bilang pangingisda ang isa sa pinagkakakitaan sa kanilang lugar.

Aniya, 2016 ng mabuo ang kanilang samahan; hindi naman maitatanggi na malinaw ang pakay kung bakit binuo ang naturang samahan; ito ay upang mapaunlad at maiangat ang buhay ng mga miyembro ng kanilang samahan sa pamamagitan ng pangingisda.

Dahil dito, nag-isip si Conde kung paano matutulungan ang kanilang samahan; kung kaya nga’t lumapit ito sa BFAR upang humingi ng tulong. Inilahad niya kung paano binigyan ng mga pagsasanay ang kanilang samahan noong 2018, kabilang na rito ang pag gagawa ng bangka dahil ang kanilang kakayahan ay talagang pandagat. Mula dito, nakagawa ng maraming bangka ang grupo na siya namang ginagamit nila upang mangawil. Dito rin napanday ang naging ugnayan at samahan ng grupo sa BFAR, dahil kinakitaan ng potensyal ang samahan, minarapat ng ahensiya na bigyan ng panibagong proyekto noong 2021. Ito ay ang pagkakaloob ng High-Density Polyethylene (HDPE) Circular Cage na aniya ay mabisang panlaban sa bagyo kung balak ng isang samahan na mag-alaga ng isda sa gitna ng karagatan.

Nagbalik-tanaw naman si Conde sa pagsailalim nito sa isang pagsasanay na pinangunahan din ng BFAR noong taong 2014. Ito ay ang pag-aalaga ng milkfish o bangus; nagkataon naman na kaalinsabay ng pagkakaloob ng HDPE Fish cage, pinagkalooban rin ang samahan ng 29,000 na bangus fingerlings bilang panimula sa kanilang sisimulang negosyo.

Bagamat sinusubok at kung minsan pa nga ay pinanghihinaan ng loob, hindi pa rin nagpagapi ang samahan; sa katunayan tone-toneladang bangus na ang napoprodyus ng samahan pagdating ng panahon ng anihan. Makikita naman sa mga kinang ng mata ng lider, na nais pa nito paglingkuran ang kaniyang mga kasamahan; puhunan ay lakas ng loob at paniniwala na aangat ang kanilang samahan, pinaplano ni Conde at ng SMMBM na magkaroon ng pagsasanay sa patungkol sa fish processing ang kanilang samahan, sa pakikipagtulungan na rin ng BFAR. Anila, magiging malaking katulungan ito sa kanila, dahil sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng kakayahan na makapagprodyus ng canned goods mula sa inaalagaan ng mga ito na bangus; isinisiguro din nila na ang magiging produkto nila ay talagang sariwa at masarap na maaari anilang ipagmalaki sa buong bansa.

Malayo na ang narating ng SMMBM, ngunit hindi ibig sabihin nito ay kuntento na ang mga ito. Malawak at matayog ang pangarap ng bawat miyembro ng SMMBM, kung kaya’t hindi imposible na makita ng mga ito ang KAUNLARAN SA GITNA NG KARAGATAN. (JJGS/PIA MIMAROPA)

Related Posts

Conservation effort noon, tourism asset ngayon ng Looc

Conservation effort noon, tourism asset ngayon ng Looc

September 24, 2026
Aurelia C. Solidum Dialysis Center, tribute bilang pagkilala kay ‘Manang Auring’

Aurelia C. Solidum Dialysis Center, tribute bilang pagkilala kay ‘Manang Auring’

September 11, 2026

Popular Stories

  • DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

    DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

    223 shares
    Share 89 Tweet 56
  • Tricycle driver, arestado sa buy-bust operation sa Odiongan

    84 shares
    Share 34 Tweet 21
  • Montenegro Shipping Lines, binuksan ang online booking para sa rutang Batangas-Odiongan

    1011 shares
    Share 404 Tweet 253
  • Sandiganbayan, naglabas ng warrant laban sa bise alkalde at walong dating konsehal ng Romblon

    228 shares
    Share 91 Tweet 57
  • TUPAD, posibleng dagdag-kita para sa mga magsasakang maaapektuhan ng El Niño

    30 shares
    Share 12 Tweet 8
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

LGBTQI+ community sa Romblon, maari nang magkaroon ng health care proxy sa ilalim ng bagong ordinansa

Alcantara, nanguna bilang “Best Destination in Romblon” sa online public voting

Mga Sibuyanon sa North America, nanawagan ng pagkansela sa mining agreement ng Altai

TRENDING FOR THE MONTH

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

11 sugatan matapos tumagilid ang pampasaherong jeep sa Santa Maria

Montenegro Shipping Lines, binuksan ang online booking para sa rutang Batangas-Odiongan

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up