Walang kawala sa mga tauhan ng Bongabong Municipal Police Station ang lalaking itinuturing ng Regional Police Office na 2nd most wanted person sa buong rehiyon ng Mimaropa.
Kinilala ni Police Capt. Richard Obsid, tagapagsalita ng Romblon Police Provincial Office, ang suspek na si Jonry Aguilar, 27, residente ng Barangay Labasan.
October 20 ng hapon nang ikasa ang operasyon laban sa suspek.
Si Aguilar ay wanted dahil sa warrant of arrest na inilabas laban sa kanya ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19, sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay may kasong two counts ng rape, three counts ng paglabag sa RA 7610, at kasong Act of Lasciviousness.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Bongabong Municipal Police Station at inaasahang ibabiyahe pabalik ng Romblon para iharap sa korte.