Magkakaroon na muli ng biyahe ng Bus mula Metro Manila patungong Tablas Island, Romblon sa darating na August 27.
Ito ay matapos ianunsyo ng Alabang Transport Service Cooperative na magkakaroon na sila ng ruta patungong Tablas Island, Romblon mula Parañaque Integrated Terminal Exchange, Star Mall sa Alabang, Pasay at BF Grand Terminal sa Marikina.
Alternate ang magiging biyahe nito at sasakay ng barkong Starlite sa Batangas Port.
Maliban sa patungong probinsya, magkakaroon rin ng Tablas Island, Romblon patungong Parañaque Integrated Terminal Exchange, Alabang, Pasay at Marikina.
Maalalang, tumigil ang biyahe ng mga bus sa Romblon matapos tumigil ng oprasyon ang Dimple Star Transport matapos ang kinasangkutang aksidente sa Occidental Mindoro noong 2018.