Naglagay ng satelite office sa bayan ng San Fernando sa Sibuyan Island, Romblon ang Maritime Industry Authority Region IV.
Ito ang inanunsyo ng San Fernando Public Information Office sa kanilang pahayagan nitong July 28.
Ayon sa kanila, ito ay kasunod ng kahilingan ni San Fernando Mayor Nanette Tansingco.
Binisita na ng tauhan ng MARINA ang satellite office na matatagpuan sa Municipal Tourism Office.
Sinabi ni Mayor Tansingco na sa satellite office sa San Fernando na pwedeng pumunta ang mga Romblomanon para magasikaso ng kanilang mga permits mula sa MARINA.
Samantala, may aabot sa 165 na MARINA certificates na rin ang naibigay ng MARINA sa ilang boat operators sa San Fernando at Cajidiocan kahapon.
Kabilang rito ay Certificate of Ownership, Recreational Boat Certificate, Safe Manning Certificate at iba pa.