Lilipad na simula sa buwan ng Setyembre ang Airswift Airlines Philippines mula Manila patungong Tablas, Romblon at pabalik.
Nakumpirma ito ng Romblon News Network sa website ng Airswift Airlines Philippines nitong July 30.
Kinumpirma rin ang nasabing balita ni San Agustin Mayor Denon Madrona nang ito ay magsalita sa flag raising ceremony ng Munisipyo ng San Agustin noong July 25.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, nagsagawa na sila ng facility inspection sa Romblon Airport kamakailan ang mga tauhan ng nabanggit na airlines.
Sinabi ni CAAP Romblon Manager Nonie Lucidos na tentative flight ng nasabing airline ay September 24.
Nakasaad sa website ng Airswift Airlines Philippines na tuwing Martes at Sabado lamang ang biyahe ng kanilang eroplano patungo at paalis ng Tablas.
Aalis ito ng Manila ng 5:55 AM at aalis ng Tablas, Romblon ng 9:00 AM.