May aabot sa 500 mga mangrove ang naitanim sa ginanap na tree planting activity sa Barangay Balog, Calatrava, Romblon noong ika-5 ng Hunyo.
Pinangunahan ito ng Calatrava Municipal Police Station katuwang ang iba’t ibang civil organizations at government agencies.
Ayon kay Police Lieutenant Nanette Pablico, Officer-in-Charge ng Calatrava Municipal Police Station, ang naturang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Sinabi rin ni Pablico na hinihikayat ng PNP ang komunidad na patuloy namakiisa at makilahok sa mga programangilulunsad ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan at kasaganahan ng likas na yamansa bansa.