Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng rehiyon ng Mimaropa ang dagdag sahod sa mga minimum wage earners sa limang lalawigan sa rehiyon.
Ito ang inanunsyo ni Director Rolly Francia, Information and Publication Service (IPS) ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong 20 ng Mayo.
Dagdag P35 ang inaprubahang pagtaas sa Mimaropa alinsunod sa Wage Order No. RB-Mimaropa-10.
Dahil sa dagdag sahod, magiging P329 na ang minimum wage para sa mga establisyimento na may mas mababa sa 10 manggagawa at PHP355 para sa mga establisyimento na nagtatrabaho ng 10 o higit pa.
Taong 2018 pa huling nagtaas ng mininum wage sa rehiyon ang RTWPB.