Bilang pagsisiguro na magiging malinis at mapayapa ang halalan ngayong taon sa bayan ng Odiongan, pumirma ang mga kandidato rito sa isang peace covenant ngayong Martes.
Ito ay inihanda ng mga miyembro ng Odiongan Municipal Police Station, Odiongan Election Office, at mga church leader sa bayan.
Bago pa ang covenant signing, sabay rin naglakad ang mga kandidato kasama ang mga organisers mula Odiongan Landmark patungong Odiongan Covered Court para sa Walk for Peace.
Ayon sa Odiongan PNP, kompleto at dumating ang 24 na kandidato para sa iba’t ibang posisyon, patunay na seryoso ang mga ito sa mithiing magkaisa para maging mapayapa ang eleksyon.