Nagsimula na ang ika-11 cycle ng Supplementary Feeding Program sa bayan ng Romblon, Romblon kasunod ng paghatid sa bayan noong Biyernes ang unang delivery ng mga foodpacks.
Pormal na tinanggap ang mga foodpacks ni MSWD Officer na si Ms. Ma. Lourdes M. Fajarda kung saan nanguna rin sa pag-inspeksyon sa mga pagkain.
Inaasahang may aabot sa 920 batang benepisyaryo ang mahahandugan ng tulong pangnutrisyon sa pamamagitan ng Supplementary Feeding Program na ito.
Ilan sa mga kasamang pagkain ay mga itlog, tinapay, biscuits, noodles, de lata at iba pa.
Nagpasalamat naman ang MSWDO ng Romblon sa DSWD Mimaropa dahil sa pagpapadala ng mga pagkain na ito para sa mga bata.