Dalawang bahay sa Concepcion Norte sa bayan ng Santa Maria, Romblon ang nilamon ng apoy nitong Miyerkules, January 12.
Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog pasado alas-11 ng umaga ang sunog at idineklarang fire-out bandang 12:25 ng tanghali.
Ang mga bahay ay natukoy na pagmamay-ari nina Mr. Edmund Mijares at Lilia Mindo.
Walang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.
Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng pinsala nito.