Nagsimula na ngayong Lunes ang libreng medical mission na handog ng opisina ni Senator Riza Hontiveros sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Odiongan.
Dito ay libre ang pagbibigay ng Digital Diagnostic Services mula ngayong Lunes hanggang Martes, simula alas-7 ng umaga.
Ang maaring ma-avail na serbisyo rito ay checkup, fetal doppler ultrasound para sa mga buntis, blood and urinalysis test, ECG sa puso, at iba pa.
May libre ring binibigay na gamot at mga bitamina sa mga may kailangan.
Ang ilan nga sa mga senior citizen na gustong magpatingin ngayong araw ay maaga pang pumila sa nasabing medical mission.
Paalala lang ng lokal na pamahalaan sa mga pupunta ay ang magsuot ng face mask at sumunod sa health protocol.