Sugatan ang isang 19 anyos na lalaki sa Sitio Upper Silangan, Barangay Claro M Recto, Ferrol matapos itong mataga ng live-in partner ng kanyang kapatid nitong gabi, January 16.
Kinilala ang biktimang si Chricel Fesarillo Dalisay, 19, habang ang kanyang bayaw ay kinilalang si Jobban Gregorio Tayco, 33.
Sa ulat ng Ferrol Municipal Police Station, bandang 10:45 kagabi habang nag-iinuman umano ang dalawa ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Dalisay at kanyang ate, na live-in partner ng suspek.
Habang nagtatalo ay nagkaroon ng mainit na usapin patungkol sa nanay ng dalawa kaya nagalit rin itong suspek at kumuha ng bolo at tinaga ang biktima.
Batay sa pulis report, agad na tumakbo ang suspek palayo sa lugar at itinapon ang bolo. Ayon naman sa mga kamag-anak nito, tumakbo ito diretso sa barangay official para sumuko.
Habang ang biktima na nagtamo ng sugat sa chest at left arm ay isinugod sa Romblon Provincial Hospital para gamutin.
Hawak na ng Ferrol Municipal Police Station ang suspek at posibleng maharap sa kaukulang kaso kung itutuloy ng biktima ang reklamo nito.
ERRATUM: Ang biktima at ang kanyang nakasagutan ay magkapatid at hindi mag live-in partner, taliwas sa unang naibalita ng pahayang ito.