Umakyat na sa 22 ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bayan ng Odiongan, Romblon matapos madagdagan ito ng 5 bagong kaso ngayong Sabado, January 8.
Sa datus ng Rural Health Unit ng Odiongan, sa 18 sa mga aktibong kaso ay local cases habang 4 naman ang imported cases.
Kung babatayan ang talaan, makikitang nagsimulang tumaas muling makapagtala ng kaso ang bayan noong January 1 matapos ang mahigit isang linggo na zero ang active cases.
Samantala, isa naman ang nadagdag sa bilang sa mga nasawi kahapon dahil sa virus.
Pinakamaraming aktibong kaso sa Barangay Tabin-dagat at sinundan ng Barangay Budiong.
Naka-isolate na ngayon ang mga kasong ito at nagsasagawa na rin ng contact tracing ang lokal na pamahalaan.