Sinimulan na ngayong Huwebes ang pagbibigay ng booster shoot para sa mga adult population sa bayan ng Odiongan.
Ito ay kasunod ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa adult general population kahapon.
Ayon sa Rural Health Unit ng Odiongan, mga nakatanggap ng second dose noong May ang pwede na magpabooster ngayong araw.
Kasama rin rito ang mga nakatanggap ng Janssen vaccine noong Agosto.
Sa inilabas nilang chart, at least 6 months na dapat ang mga nabakunahan ng Sinovac, Astrazenica, Pfizer, Moderna, at Sputnik bago makatanggap ng booster shoot; at aleast 3 months naman kung Janssen.