Nanatiling walang biyahe ang lahat ng sasakyang pandagat sa probinsya ng Romblon ngayong Biyernes, December 17, dahil sa banta ng Bagyong Odette.
Miyerkules nang kanselahin ang biyahe ng mga barko galing Romblon patungong Masbate, Lucena at Batangas at pabalik dahil sa masamang panahon at sa nakataas na gale warning.
Sa huling tala, may aabot sa 8 ang stranded na mga barko sa lalawigan dahil sa bagyo.
Wala namang stranded na mga pasahero at mga trucking services dahil maagang nagpalabas ng abiso ang mga shipping lines kaugnay sa kanselasyon ng biyahe.