Isang mahinang lindol ang naramdaman sa ilang bahagi ng lalawigan ng Romblon ngayong Biyernes ng hating-gabi kabilang na ang bayan ng Corcuera.
Sa Corcuera ang sentro ng nasibing lindol na naitala kaninang 12:50 ng umaga.
May lakas itong magnitude 1.5.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, walang inaasahang aftershock at damages ang nasabing pagyanig.
Ito na ang ika-apat na lindol na naitala ng Phivolcs sa Romblon ngayon lamang Disyembre.