Limang barangay hall sa bayan ng Odiongan, Romblon ang may mabilis nang internet connection.
Ito ay matapos silang makabitan ng libreng internet ng PMT IT Solutions sa pakikipagtulungan ni Romblon Vice Governor Felix Ylagan.
Ayon sa kay Ginoong Jovi Tan ng PMT IT SOlutions, libre nila itong ikinabt sa mga barangay ng Rizal, Mayha, Bangon, Poctoy at Patoo.
ADVERTISEMENT
Libre itong magagamit ng mga barangay officials para sa kanilang araw-araw na transaksyon maging sa mga meetings na madalas ay virtual na dahil sa pandemya.