Hindi na umabot ng San Andres Municipal Hospital ang isang barangay kagawad ng Barangay Victoria sa San Andres, Romblon matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek.
Kinilala ang nasawi na si Jolly Dela Cruz Modesto, 38 anyos.
Sa ulat ng San Andres Municipal Police Station, ang biktima ay nagbabalot ng mga copra sa Sitio Binoog kasama ang isang Marvin Mangao nang mangyari ang krimen bandang tanghali ng Sabado, October 30.
Nakarinig nalang umano si Mangao ng putok mula sa hindi pa alam na direksyon at sinundan ng pagtumba ni kagawad.
Nagtamo ng tama ang biktima sa may kaliwang bahagi ng kanyang ulo.
Read More: Suspek sa pagpatay sa Brgy. Kagawad sa San Andres, naaresto na ng PNP