Naghain na ng kanyang certificate of candidacy para sa reelection sa May 2022 election si Odiongan incumbent Mayor Trina Firmalo-Fabic kasama ang kanyang running mate na si incumbent Vice Mayor Diven Dimaala.
Kasama ng alkalde dumating sa opisina ng Comelec sa Odiongan ang kanyang pamilya at ang kanyang mga kapartido na lalaban para makakuha ng pwesto sa Sangguniang Bayan.
Bago pa sila tumungo sa Comelec, dumaan muna sila sa St. Vincent Ferrer Parish Church at nag-alay ng dasal.
Kung papalaring manalo, ito na ang magiging ika-3 termino ni Fabic sa pagiging alkalde at ika-2 termino naman ni Dimaala sa pagiging bise alkalde.
Samantala, ang mga nasa ticket rin nina Fabic na tatakbo sa pagka-konsehal ay ang mga incumbent na sina Gecelle Fainsan, Marvin Firmalo, at Alexander Formento.
Kasama rin nila sina Brgy. Captain Juvy Faderogaya, Joel Falogme, at SK Kaila Yap, Jakiri Fernandez, at Nicasio Fiedacan.