Umabot na sa bayan ng San Andres sa Romblon ang 5G signal ng Smart Telecom batay sa mga sources ng Romblon News Network.
Ito ay bahagi ng patuloy na pag-expand ng 5G network ng Smart at PLDT sa probinsya ng Romblon.
ADVERTISEMENT
Sa isinagawang speed test ngayong araw sa bayan, umabot sa 429 Mbps ang download speed ng 5G network doon at 79.9 Mbps naman ang upload speed.
Ang San Andres ang bayan na sumunod sa Odiongan na nalagyan na ng 5G Network ng Smart Telcom.