Tatlong Rescue Boat ang pinagkaloob noong Martes ng Provincial Gov’t ng Romblon sa mag island barangay ng Logbon, Alad at Cobrador sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ayon kay Governor Jose Riano na nanguna sa turn-over ceremony, ang mga rescue boat ay malaking tulong lalo na sa mga residente ng nabanggit na barangay na kailangang dalhin sa Romblon District Hospital tuwing may emergency.
Ang mga nasabing rescue boats ay dagdag sa bilang ng mga sasakyang pandagat na binili ng pamahalaang panalalawigan na magagamit tuwing may emergency.