Inaasahang maglulunsad sa mga susunod na buwan ang Provincial Tourism Office ng Romblon ng tourism website ng probinsya ng Romblon.
Kaugnay nito, ang opisina ng Provincial Tourism Office sa pangunguna ni Sandi Patti G. Rodenas ay nag-iikot na sa iba’t ibang tourism spots sa probinsya upang kamustahin ang kalagayan ng lokal na turismo sa mga ito.
Isa sa mga binisita ng grupo ni Rodenas ang Looc Bay Refuge and Marine Sanctuary sa bayan ng Looc na kilala sa magagandang klase ng isda na makakasama mo kapag maliligo.
Bumisita rin sila sa iba pang pasyalan sa nabanggit na bayan upang kumuha rin ng mga litarto at video.
Sinabi pa ni Rodenas na pinaghahandaan na ng pamahalaang lalawigan ang muling pagbabalik ng turismo sa probinsya kung sakaling lumuwag na ang mga protocols ngayong patuloy na tumataas ang bilang ng mga nababakunahan ng bakuna laban sa Covid-19 na kinakaharap ng bansa.