Nakatanggap ang ilang kabataan sa bayan ng Odiongan ng mga tablet mula sa Opisina ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Odiongan kamakailan.
Ayon kay SK Federation president Kaila Yap, ang mga tablet ay handog mula sa opisina ni Sen. Kiko Pangilinan bilang tulong sa kanilang pag-aaral.
Ngayong karamihan sa mga kabataan ay kailangan ng gadget upang makapag-aral, naglunsad ng programang Project Sagip Kabataan ang SK Odiongan upang matulungan ang mga mahihirap sa kanila.
Sinabi pa ni Yap na patuloy parin silang naghahanap ng mga tao na makakatulong sa mga kabataan ng bayan.
Inaasahang may susunod pa na batch na mga kabataan ang makakatanggap rin ng gadget mula.