Isang senior citizen sa bayan ng Magdiwang sa Romblon ang sugatan matapos itong pagtatagain ng isa pang senior citizen na lango sa alak nitong gabi ng Martes, May 11.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Crisanto Roňa Regala, 68, habang ang suspek ay si Jose Mendezabal, 69.
Ayon sa police report, bandang alas-8:45 ng gabi, sumugod umano ang nakainum ng suspek sa bahay ng anak ni Regala at tinakot na sasaktan ang kanyang pamilya.
Humingi ng tulong ang nakababatang Regala sa kanyang ama ngunit pagbukas ng kanyang pintuan ay siya ang pinagtataga ng suspek.
Agad na tumakas naman ang suspek habang ang nakatatandang Regala ay isinugod sa Sibuyan District Hospital.
Nagkakasa na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Philippine National Police sa isla para sa ikaaresto ng suspek.