Dead on arrival sa Rural Health Clinic ng Magdiwang, Romblon ang isang lalaki na nasalpok ng motorsiklo noon mismong unang araw ng bagong taon.
Kinilala ang nasawi na si Elbert Delgado Royo, 55, residente ng Sitio Bagumbayan, Brgy. Poblacion.
Ayon sa ulat ng Magdiwang Municipal Police Station, bandang 12:40 ng hating gabi habang naglalakad si Royo sa Bagumbayan Street bigla siyang sinalpok ng isang nakainum na menor de edad.
Sumemplang ang rider at nagtamo ng minor injury ngunit ang walang kalaban-laban na si Royo ay nagtamo ng malubhang sugat sa katawan na nauwi sa pagkamatay.
Sa imbestigasyon pa ng pulisya, lumalabas na walang lisensya ang suspek na menor de edad.