Iniimbitahan ng Department of Science and Technology-MIMAROPA ang publiko na dumalo sa kanilang libreng virtual science and technology tour.
Ang nasabing virtual tour ay bahagi ng taunang selebrasyon ng National Science and Technology Week ng DOST na ginanap nitong Nobyembre 23-29.
Kahit tapos na ang naturang selebrasyon, nais ipaalam ng DOST-MIMAROPA na maaari pang makilahok sa kanilang mga aktibidades ang publiko hanggang Disyembre 31.
Hango sa tema ngayong taon—”Agham at Teknolohiya: Sandigan ng Kalusugan, Kabuhayan, Kaayusan at Kinabukasan”—pwedeng panoorin ang kanilang forums na magtatalakay ng mga bagong teknolohiya at pagbabago sa larangan ng: agriculture and aquaculture, food and nutrition, environmental management, at distance learning.
Upang magaya ang pakiramdam ng pagbisita sa isang exhibit, ang DOST-MIMAROPA ay naghandog ng 3D simulation ng kanilang exhibit booth. Makikita dito ang kanilang mga programa at serbisyo at maaari kayong makakuha ng mga impormasyon na angkop sa inyong pangangailangan.
Bukod dito, nakapaloob din sa tour ang kanilang assisted projects at mga pasilidad. Hinihimok din ang mga dadalo na sagutan ang kanilang virtual quiz. Para sa mga interesadong bumisita, Tumungo lamang sa link na ito: http://dostmimaropa2020nstw.com/
































