Sa Lunes, June 22, ay bubuksan na ang pinakaunang Essentials Refill sa Odiongan, Romblon sa Bayay Coworking Space, Virgie Maulion Bldg, Tabin-Dagat, Odiongan, Romblon (sa taas ng J&T).
Layunin ng JnJ Happy Homes, ang kumpanya na pag mamay ari ng dalawang magkamag anak na taga Odiongan na matuto ang mga kababayan ng Refilling habit upang masolusyunan ang pasakit na pagdami at pagkalat ng mga plastiks sa buong Mundo.
Sa ngayon, ang available for refill ay ang mga sumusunod:
- Dishwashing Liquid. – 80Php/Liter
- Liquid Detergent Soap – 90Php/ Liter
- Fabric Conditioner – 75Php/Liter
- Car Shampoo -25Php/250ML
- Toilet Bowl Cleaner – 80Php/Liter
Maari din kayong bumili ng tingi tingi o di kaya’y tig-iisang galon (19 Liters bawat galon). Ang Pila ng Refill ay magbubukas sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 6:00PM sa hapon. Ang publiko ay kailangang magdala ng kanilang sariling lalagyan.
Sa mga susunod na mga linggo ay tinitingnan ng JnJ Happy Homes na magtungo sa mga Bara-barangay upang matugunan ang pangangailan nila at kasalukuyan nilang pinag-aaralan ang pagrefill narin ng Branded Shampoo, Body Soap, Body Wash at handsoap at inaasahang magiging available ito sa mga susunod na linggo.
Hinihikayat din ng kumpanya ang suporta nga mga Hotels, Restaurants, at iba pang establishments na hanggang ngayon ay bumibili parin ng pake paketeng sabon at iba pang pangangailangan.
Sumusuporta rin ang JnJ Happy Homes sa proyekto ng Munisipyo na #GoGreenOdiongan at agresibong tumutulong sa pagtaguyod nito.
Ang JnJ Happy Homes ay nagtitinda din ng mura (Ika nila ay Mas mura pa sa Lazada/Shopee, wala pang delivery charge) na mga home essentials papunta sa inyong mga tahanan