Arestado matapos maaktuhang naglalaro di umano ng cara y krus o Tumbo ang siyam na kalalakihan sa bayan ng San Fernando, Romblon kabilang ang apat na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development.
Isinagawa ang operasyon noong ika-3:40 ng hapon ng Lunes sa Barangay Mabulo.
Ayon kay Police Captain Kim Badillo, nakatanggap sila ng text message mula sa isang complainant na di umano ay may grupo ng kalalakihan ang nag-uumpukan sa bandang dagat sa Brgy. Mabulo.
Nakumpiska sa mga kalalakihan ang pera na nagkakahalagang 1,375 pesos at piraso ng marble na ginawang umpugan ng pera para sa Tumbo.
Kasalukuyang na custodiya ng mga kapulisan ng San Fernando ang mga nahuli para sampahan ng kasong paglabag sa Presidentioal Decree 1602.