Sa tulong ng mga sponsors, namahagi ng aabot sa 50 bags ang grupong BeAGiver sa mga estudente ng Talamban Elementary School sa Barangay San Isidro, Santa Maria, Romblon kamakailan.
Ang BEAGIVER ay isang grupo na nagbibigay sa mga indibidwal at samahan ng mga oportunidad na gumawa ng responsable sa lipunan sa isang makabuluhang paraan.
Ayon kay Ruel Manlunas Visca, lead campaigner ng BeAGiver sa Romblon, mga bag at kapote ang ibinigay nila sa mga batang kapuspalad.
Maliban sa Talamban Elementary School, nakapagbigay na rin umano sila ng mga bags at kapote sa mga estudyante naman ng San andress Cultural Gigh School, Concepcion Sur Elementary School, Don Felipe Madali Memorial Elem School, at Agbay Ang Elementray School.
Ang grupo na nagsimulang mamigay ng bag noon pang 2018 sa Romblon, ay naghahanap parin ng mga sponsors hanggang ngayon para sa mga bata. Makipag-ugnayan lamang kay Ruel Manlunas Visca sa pamamagitan ng tawag o text: 09183976127.