Kinansela ng pamahalaang lokal ng Odiongan ang nakatakda sanang Valentine’s Ball na gaganapin sa February 14 sa Odiongan Public Plaza dahil sa banta ng novel coronavirus o COVID-19.
Ayon kay Vice Mayor Diven Dimaala, alinsunod ito sa advisory na nilabas ng Department of Health kung saan hinihikayat ang publiko na umiwas muna sa mga malalaking gatherings.
“…with the advisory from the Department of Health regarding the present situtatio of the onset and spread of the 2019 novel coronavirus (COVID-19), we decided to cancel the holding of the annual Valentine’s Ball on Feb. 14,” ayon sa isang post ni Dimaala
Makikipag-ugnayan umano sila sa mga nakabili na ng ticket para sa taunang ball kung ano ang kanilang gagawin kaugnay rito.
Ayon kay Dimaala, ang pagkansela ng nasabing event ay para sa ‘best inretest and welfare’ ng publiko.