Inanunsyo sa isang Facebook post ni Governor Jose Riano ang mga bagong improvement ng Romblon District Hospital matapos itong i-classify ng Department of Health bilang isang level 1 hospital.
Ayon kay Governor Riano, binasbasan na nitong Biyernes ang blood station sa ospital, ang bagong holding area, at ang bagong pharmacy na sinabing puno ng gamot.
Maliban umano rito, may dumating rin umanong mga bagong hospital beds, bagong operating Room (OR) table, bagong anaesthesia machine.
Hindi umano naging madali ang pagdala ng mga bagong pasilidad ngunit hindi umano ito imposible, ayon kay Riano.
“Pina calibrate din natin ang anaesthesia machine at incubator na dati ay pailaw ilaw lamang ayon sa ating mga hospital staff pero ngayon ay fully functional na,” dagdag pa ni Riano.
“Ngayon natin napapatunayan kung tulong tulong mas maraming nagagawa para sa bayan at para sa pagpapataas ng pamumuhay ng ating mga kababayan,” sabi pa ni Riano.