Ipinatutupad na simula nitong Martes ang one-way traffic scheme sa JP Laurel St. sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ayon kay Dr. Ramer Ramos, Municipal Administrator ng lokal na pamahalaan ng Odiongan, ang bahagi ng JP Laurel St. simula sa kanto ng CP Garcia St. (small town lottery) ay magiging one-way at tanging mga patungong norte (palengke) lang ang papayagan.
Ang mga mangagaling sa palengke ay hindi na makakapasok ng JP Laurel St. at ang mga lalabag rito ay maaring matikitan para pagmultahin.
Layunin ng one-way traffic scheme na maiwasan ang pagsikip ng traffic sa nabanggit na kalsada sa dami ng dumadaang sasakyan.