Isang 29 anyos na babaeng may sakit sa pag-iisip ang inirereklamo ang kapitbahay niyang 63-anyos na Lolo matapos itong ilang beses na gahasain noong nakaraang taon sa damuhan malapit sa kanilang bahay sa Romblon, Romblon.
Nadagdagan pa ang problema ng mga magulang ng babae matapos mapagalamang limang buwan na itong buntis at ang inuturong ama ay ang kapitbahay nilang di umano’y gumahasa sa kanya.
Kwento ng ina ng biktima, tuwing wala umano siya at ang kanyang asawa sa bahay, doon umano gumagawa ng paraan ang suspek para malapitan ang babaeng may sakit sa pag-iisip at dito na pinagsasamantalahan.
Kinasuhan na nitong Biyernes ng rape ang matandang di umano’y umamin rin sa kanyang nagawa.