Muling nagpapaala ang mga tauhan ng Banton Municipal Police Station sa ilalim ni Captaion Chisi Faderagao sa publiko na pinagbabawal gumala ang mga batang menor de edad sa isla simula alas-8 ng gabi.
Nitong Martes, may limang menor de edad silang naabutang lumalabag sa Municipal Ordinance No. 12 Series of 2005 na nagbabawal sa mga batang lumabas simula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Ang mga batang pagagala ay agad na pinasundo sa kanilang mga magulang at pinaalalahan sa nasabing ordinansa.
Ayon kay Faderagao, tahimik naman umano ang bayan ng Banton ngunit may mga ordinansa na dapat umanong ipatupad at dapat sundin ng mga publiko.
































